PinasLakas special vaccination days, tagumpay pa ring nailunsad sa ibang lugar sa Visayas at Mindanao
Bagama’t hindi natuloy ang Bakunahang Bayan PinasLakas special vaccination days sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Karding, natuloy naman ang paglulunsad ng 5 araw na bakunahan sa Visayas at Mindanao.
Gaya na lang sa Tawi-Tawi na inilunsad na ang isang linggong bakunahan kahapon.
Sa ginawang launching ceremony, ay si Tawi-Tawi Board member Allan Ahaja ang unang naturukan ng booster dose.
Nailunsad na rin ang special vaccination week sa CARAGA Region.
Para sa mga impormasyon kung saan saang lugar gagawin ang Bayanihan Bakunahan ay makipag ugnayan lang sa mga lokal na pamahalaan.
Para naman sa mga nasa Luzon, maglalabas na lang ng anunsyo ang DOH.
Sa datos ng DOH, 73.01 milyong indibidwal o 93.79% ng populasyon ang fully vaccinated na, pero 19.2 milyon pa lang dito ang may booster na.
Madelyn Villar Moratillo