Pinoy na namatay sa Kuwait, umaabot na sa 196

Umaabot na sa 196 ang bilang ng mga Pinoy na namatay at mahigit 6,000 pa ang mga Overseas Filipino Workers na nakatikim ng
pang-aabuso sa kanilang mga amo sa Kuwait bago pa man magpatupad ng ban ang gobyerno ng Pilipinas.

Sa imbestigasyon ng Committee on Labor , sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na hanggang ngayong February 2018, 79 percent sa mga namatay ay medical cases, pito ay aksidente, 11 ang nag-suicide  at 3 percent ang
hindi pa matukoy na dahilan.

Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella na posibeng dulot ito ng umiiral na Kafala o sponsorship system.

Sa ilalim ng ganitong sistema, itinuturing na pag-aari ng isang employer ang sinumang household o service worker pagdating nito sa Kuwait.

Ang employer rin ang magdidikta kung ilang oras lamang dapat matulog ang isang domestic worker, ginagawang sex slavery at hindi
pinapayagang lmabas ng bansa kahit tapos na ang kanilang kontrata.

Ang mga lalabag sa ganitong sistema, maari pa aniyang makasuhan ng kriminal.

Aminado si Abella na wala pang nakakasuhan dahil maraming pinoy ang kumakapit sa patalim at kumakagat sa ganitong sistema.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *