Pinoy na natanggap sa trabaho, mas marami kaysa sa nawalan – PSA
Nakapagtalaga ng pinakamataas na labor turnover rate ang bansa noong ikatlong quarter ng 2016 na 3.67%.
Ibig sabibin , mas maraming Pinoy sa Metro Manila ang natanggap sa trabaho kumpara sa nawalan ng trabaho sa third quarter ng 2016.
Ito ay sa loob ng huling limang taon o mula 2011 batay sa Stat Report ng Philippine Statistics Authority.
Paliwanag ng PSA, nangangahulugan na ang trabaho sa malalaking kompanya sa Metro Manila ay patuloy na nadaragdagan sa third quarter ng 2016.
Ang services sector ang nagtala ng pinakamataas na pagdami ng trabaho na 4.03 percent. Ito ay mula sa transportation at storage na 20.79 percent.
Tanging education ang may negatibong labor turnover rate sa ilalim ng nasabing sektor.
Ang Labor Turnover Survey o LTS ay isang quarterly sample survey ng mga negosyo na pinangangasiwaan ng PSA.
Ulat ni: Moira Encina