Pinoy sa Tuktok ng Canada
Isa sa maipagmamalaki nating katangian ng Pinoy ay ang husay nating makibagay, mag-adjust o mag-adapt.
Bukod dito ang magtiis malayo sa pamilya para may pagkain lagi sa hapag kainan.
Sa pagkakataong ito, may natagpuan tayong Pinoy na masayang nakipagkuwentuhan sa atin si Mr. Crisanto de Guzman a.k.a Chris Kusinero.
Ang sabi niya ang lugar niya ay sa Norman Wells, matatagpuan sa tuktok o dulo ng bahagi ng North Canada, malapit na rin ito sa Antartica.
Dati siyang nagtatrabaho sa isang hotel.
Ngunit napilitang mangibang lugar dahil noong 2014, habang siya ay nasa Calgary naglabas ng moratorium, lahat nang nagtratrabaho duon ay hindi na mabibigyan ng permit to work at kailangang bumalik sa kanilang bansa.
Pero dahil ayaw niyang umuwing bigo, sinikap niyang maghanap ng trabaho sa ibang lugar na makapagbibigay sa kanya ng work permit.
At sa North siya nakahanap ng employer, dito nagbukas ang oportunidad.
Ibinahagi ni Chris ang ilan sa mga kakaibang niyang karanasan pagdating sa weather adjustment.
Sa South na pinanggalingan niya normal ang klima pagdating niya sa North, inamin niyang hirap na hirap siya sa panahon, kapag winter, dalawang oras lang ang may araw (liwanag).
Sisikat ang araw ng alas dose ng tanghali lulubog ng alas dos ng hapon.
Hindi rin siya aware na umaabot ng negative degrees ang temperatura.
Kapag lalabas ka ng bahay ng ilang minuto lang nagdidikit ang pilik-mata di mo maimulat.
Then pati hininga mo ay umuusok, maya-maya lamang para ka ng may balbas at bigote na yelo dahil sa lamig.
Pati signal ng phone wala din.
Iba pala ang phone signal na ginagamit.
Habang ang summer parang umiikot lang araw (pero ang totoo ay earth ang umiikot sa araw) ng buong araw hanggang madaling araw ay ganito na parang hapon lang.
Bagamat kakaiba ang karanasan sa panahon, tuloy pa rin ang kanilang pamumuhay.
Tulad niya na isang cook ang oras ng maraming customer ay mula 12:00-2:00pm busy hour.
Kapag day off lang niya nakikita ang sikat ng araw.
Naibahagi din ni Chris ang lugar ay mayaman sa natural resources, may oil field, natural gas na nire-refine sa Edmonton, marami ang puwedeng I-explore, kapag summer dinarayo ito ng mga hunter dahil sa mga hayop.
Noong panahon naman ng pandemya, inamin ni Chris na mahirap din ang sitwasyon nila dahil malayo sila, walang ospital kundi clinic lamang.
Sobrang istrikto ang naging pamamalakad.
Kaya kung ang buong mundo ay nagkaka-COVID sila ay safe sa nasabing virus.
Ngunit nang lumuwag ang restriksyon saka nagkaroon ng COVID, dalawang buwan silang nalockdown.
Mainam ay suportado sila ng gobyerno at inihahatid ang kanilang mga pangangailangan.
Apektado rin ang work, mabuti na nga lang patuloy nag-ooperate ang hotel na pinagtrabahuhan niya bagamat hindi pa fully operational.
Hindi rin pahuhuli sa diskarte ang ating kusinero sa pag-iintegrate ng pagkaing pinoy sa North.
Dahil madali lang ihain ang pagkain na hilig ng tagaroon tulad ng poutine dish (fries and cheese top with gravy).
Hindi mawalala ang pagluluto ng adobo, lechon belly at iba pa.
Mensahe niya para sa ating lahat, kung nagnanais pumunta ng ibang bansa, tandaan na may kaakibat itong sakripisyo, ang buhay ay minsan lang, kailangang gamitin ng tama, may mga taong umaasa sa atin para sa pamilya huwag sumuko, laban lang!