Pinsala ng bagyong Ompong sa Agricultural sector, nasa 14.3 Bilyong piso – NDRRMC

 

Umabot sa 14.3 bilyong piso ang pinsalang iniwan sa sektor ng Agrikultura ng bagyong Ompong.

Ito ang lumabas sa inisyal na Assessment na ginawa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Saklaw ng nasabing halaga ang mga taniman ng palay, mais at mga gulay na sinira ni Ompong sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Cordillera Administrative region (CAR).

Bukod sa mga pananim ay naapektuhan rin ng bagyo ang ilang mga Livestock at Agricultural infrastructure sa lugar.

Ayon kay NDRRMC spokesman Edgar Posadas, umaabot sa 171,932 na mga magsasaka ang direktang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Sa pinakahuling tala ng ahensya ay umabot na sa 59 ang death toll sa bagyong Ompong.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *