Pinsala ng hangin at ulan sa Zamboanga city
Wasak ang isang sasakyang pandagat, nabali ang mga kahoy at umapaw ang tubig sa mga mababang lugar sa sentro ng Zamboanga city.
Dulot ito ng mga pag-ulan at paghangin sa lungsod.
Ang wooden vessel na ito na maglalayag sana mula sa Zamboanga city papunta sa lalawigan ng Tawi-tawi ay napadpad sa tapat mismo ng Sangguniang Panglungsod building, dahil sa lakas ng alon na dala ng hangin.
Nabatid na tanging ang makina lamang ang maaaring pakinabangan dito.
Dahil sa lakas ng hangin ay nabali rin ang ilang mga sanga ng kahoy sa gitna ng mga kalsada, na nakapinsala naman sa biyahe ng mga motorista.
Bagaman ilang araw na ang ulan na may kasabay na hangin, namalagi pa namang normal ang lebel ng tubig sa mga ilog.
Samantala, lumubog din sa baha ang ilang mga bahay at tindahan sa Lamitan City at Isabela City sa Basilan, na puminsala naman sa mga negosyante at ilang mamimili.
Ely Dumaboc