Pinsala ng lindol sa Batanes, umabot na sa halos 230 milyong piso- DPWH
Umabot na sa halos 230 milyong piso ang naitalang pinsala sa mga ari-arian at imprastraktura ng lindol na yumanig sa Itbayat, Batanes.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kabilang sa mga matinding napinsala ay nasa 207 bahay, apat na paaralan, apat na health facilities at 16 na road sections.
Apektado rin ang apat na water systems, pitong public structures, tatlong simbahan, at apat na infrastucture projects ng pamahalaan.
Ito ay batay na rin sa ginawang assessment at pag-iikot ng DPWH sa Itbayat, at nakalap ding impormasyon mula sa Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan ng Itbayat.
Matatandaan na noong July 27, niyanig ng kambal na lindol ang Itbayat kung saan siyam na tao ang naitalang nasawi.
Ulat ni Madz Moratillo