Pinsala sa agrikultura at imprastraktura dulot ng bagyong Jolina, pumalo sa higit 280 million
Pumalo sa kabuuang 286,772,948 halaga ang napinsala sa agrikultura at imprastraktura kasunod ng pananalasa ng bagyong Jolina.
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa 256,097,695 ang pinsala sa agrikultura sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas.
Habang pumalo naman sa 30,675,253 milyong piso ang pinsala sa imprastraktura sa MIMAROPA, Bicol at Western Visayas region.
Samantala, umaabot sa 28,444 families o 109,680 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 617 Barangay sa Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen, at National Capital Region.
Mula sa nasabing bilang, 2,580 families o 9,797 indibidwal ang nananatili sa 245 evacuation centers.
Isa ang napaulat na namatay habang 16 ang sugatan at 4 ang nawawala.
Nagpapatuloy pa ang validation sa umano’y napaulat na 13 kataong namatay/
Umaabot naman sa 6,423 kabahayan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas ang napinsala kung saan 6,122 rito ay partially damaged at 301 ang totally damaged.