Pinsala sa Agrikultura ng bagyong “Rolly” sa Imus, Cavite bahagya lamang
Ikinatuwa ng mga opisyal mula sa City Government of Imus ang bahagyang pinsalang idinulot ng bagyong rolly sa Agrikultura sa kanilang bayan.
Ayon kay Imus City Agriculturist, Robert Marges, maliit na porsiyento lamang ang naging damage ng bagyo sa sektor ng agrikultura at malaki pa ang tyansa na makarekober ng mga pananim at palay sa kanilang lugar.
Malaking tulong din ang ginawang paghahanda ng kanilang city government sa naging pananalasa ng bagyong rolly.
Nakatulong din ng malaki sa mga magsasaka ang maagang pag-aani ng mga palay bago pa man dumating ang bagyong rolly.
Ulat ni Jet Hilario
Please follow and like us: