Pinsala sa agrikultura ng bagyong Fabian at Habagat, pumalo sa mahigit 12 milyon
Pumalo sa kabuuang 12.38 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura kasunod ng pananalasa ng Habagat na pinalakas ng Typhoon Fabian.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), hanggang nitong July 24, 885 magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.
Aaabot sa 228 metriko tonelada at 906 ektarya ng pananim na palay, mais, high-value crops at livestock ang napinsala mula sa Central Luzon, CALABARZON, at Western Visayas.
Sinabi naman ng DA na nakahanda ang mga ayuda para sa naapektuhang magsasaka kabilang angpamamahagi ng daan-daang sako ng rice seeds, corn seeds at halos 2,000 kilo ng iba’t-ibang gulay.
Nakahanda rin ang Quick Response Fund (QRF) para sa mga apektadong lugar.