Pinsala sa agrikultura ng bagyong Jolina, pumalo sa higit 324 million
Pumalo sa 324.4 milyong halaga ang napinsala sa agrikultura at pangisdaan dulot ng pananalasa ng bagyong Jolina.
Ayon sa Department of Agriculture, katumbas ito ng nasa 17,760 metric tons at 11,357 ektaryang taniman ng mga rehiyon ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Western at Eastern Visayas.
Kabilang sa mga naapektuhang pananim ay ang palayan, maisan, high-value crops, livestock at pangisdaan.
Patuloy pa ang ginagawang assessment ng Regional field offices para sa validation ng pinsala ng bagyo.
Please follow and like us: