Pinsala sa agrikultura ng El Niño, umabot na sa 4.35 bilyong piso
Umabot na sa 4.35 billion pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng umiiral na weak El Niño.
Ayon ito sa pinakahuling datos ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) operations center ng Department of Agriculture (DA).
Ang naturang halaga ay lubhang malaki sa 1.33 bilyong piso na naitala noong March 19.
Ayon sa DA, ang mga napinsalang pananim ay umabot na sa 233,007 metriko tonelada (MT) at ang lupang pansakahang apektado ay may lawak na 149, 494 hectares.
Mula sa 84,932 noong March 19 ay lumobo na sa 138,859 ang naapektuhang magsasaka.
Please follow and like us: