Pinsalang iniwan ng bagyong’ Agaton’ sa imprastraktura, P145-M na
Umabot na sa mahigit 145 milyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton.
Pero ayon sa Department of Public Works and Highways, ito ay sa Caraga Region pa lamang.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang assessment ng DPWH sa pinsala ng bagyo sa mga impraktura sa iba pang lugar sa Visayas at Mindanao.
Sa hiwalay na report, sinabi ng DPWH na may 29 na National road sa Western, Eastern at Central Visayas ang nananatiling sarado dahil sa mga pagbaha, gumuhong lupa, at naputol na kalsada.
Tiniyak naman ng DPWH na minamadali na nila ang pagkumpuni sa mga nasirang kalsada sa kabila ng tuloy tuloy na buhos ng ulan sa ilang apektadong rehiyon.
Madelyn Villar-Moratillo