Pinsalang iniwan ng Habagat sumampa na sa mahigit 250 milyong piso
Umakyat na sa mahigit 259 milyong piso ang pinsalang iniwan ng hanging habagat na mas pinaigting pa ng mga nagdaang bagyong Henry, Inday at ng bagyong Josie.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Ayon sa NDRRMC, karamihan dito ay mula sa imprastraktura at agrikultura mula sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan valley, gitnang Luzon, Mimaropa, Negros Occidental at Cordillera Administrative region.
Aabot naman sa 156 na kabahayan ang nasira kung saan, siyam ang totally damaged habang 147 rito ang bahagya lamang ang tinamong pinsala sa regions 3, 6 at CAR.
Nasa 334 na lugar naman ang flooded areas kung saan, 97 rito ang subsided o humupa na ang tubig baha.
================