Pipeline sa bahagi ng Mandaluyong city na tumatagas, luma na kaya kailangan nang kumpunihin- Manila Water

Halos tatlong dekada na ang  dalawang metrong haba ng pipeline na  nasa malaking bahagi ng Mandaluyong city kaya tumatagas na at kailangan nang palitan.

Ito ang naging paliwanag ni Ginoong Jeric Sevilla, head ng Corporate Communications office ng Manila Water matapos silang mag-anunsyo ng water interruption sa mga lunsod ng Mandaluyong city, San Juan, Pasig at ilang bahagi ng Quezon City simula alas-siyete ng gabi ng Lunes, August 13, hanggang alas-nuebe ng umaga ng Martes, August 14.

Kabilang sa mga lugar na apektado sa San Juan ay mga Barangay sa Greenhills, Little Baguio, Pasadena, West Crame at Corazon De Jesus.

Sa Quezon City naman, apektado ang mga Barangay ng Bagong Lipunan, Kaunlaran, Horseshoe, Valencia, Immaculate Concepcion, San Martin de Porres, at Ugong Norte.

Samantala, malaking bahagi ng Mandaluyong ang maaapektuhan gaya ng Wack-Wack, Mauway, Addition Hills, Highway Hills, Malamig, Buayang Bato, Barangka Itaas, Barangka Ilaya, Plainview, Barangka Ibaba, Pleasant Hills, Barangka Drive at Hulo.

Habang sa Pasig city naman, apektado ang mga Barangay Ugong, Oranbo, Pineda, Bagong Ilog, Kapitolyo at San Antonio.

Minabuti aniya nilang gawing gabi ang pagkukumpuni upang magkaroon pa ng panahon ang mga nasabing residente na makapag-ipon ng tubig.

Yung pipeline na yun o kalahating metrong diameter nito, siguro mga 30 yrs old na ito. Matanda na yung pipe kaya medyo tumatags na at kinakailangan nating ayusin ito dahil malapit ang pipeline sa pundasyon ng MRT sa may Shaw kaya kung patuloy na tumatagas ito, iniiwasan lang natin na baka pagdating ng araw magkaroon ng aksidente rito dahil baka lumambot yung lupa at mas matindi pa yung mangyari”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *