Pirma na nakalap ng Comelec para sa People’s Initiative ,dapat tuluyan nang ibasura
Nagbabala si Senador Francis Escudero na mananatiling banta ang People’s Initiative hangga’t walang inilalabas na klarong posisyon si Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Escudero, inamin ng Commission on Elections na maari pang magamit anumang oras ang mga nakalap na pirma ng mga nagsusulong ng amyenda sa saligang batas sa pamamagitan ng People’s Inititiative.
Kung maglalabas aniya ng kaniyang posisyon ang Pangulo matutuldukan na ang isyu lalo na ang mga pangamba na gagamitin ang People’s Initiative para sa term extension.
Dumepensa naman ang mga Senador sa hindi natatapos na word war sa Kamara at iginiit na hindi sila kundi ang mga Kongresista ang dahilan ng nangyayaring bangayan.
Ngayong umaga magsisimula na ang pagdinig ng Senate sub Committee on Constitutional Amendments sa resolution of both houses no 6 na tatalakay sa Economic provisions ng konstitusiyon.
Pagtiyak ni Senador Sonny Angara na Chairman ng komite, walang isisingit na anumang probisyon na may kinalaman sa politika kundi tungkol lamang sa Advertising education at Public services.
Meanne Corvera