Pisikal na pagsasara ng mga korte sa ‘NCR Plus’, muling pinalawig hanggang Abril 18
Mananatiling sarado hanggang Abril 18 ang mga hukuman sa ‘NCR Plus’ o sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Sa administrative circular na pirmado ni Chief Justice Alexander Gesmundo, pinalawig ang physical closure ng mga korte sa mga nasabing lugar bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kahilingan ng mga hukom at mga kawani.
Ang mga hukuman sa ‘NCR Plus’ bubble ay dapat na mag-operate sa pamamagitan ng videoconferencing hanggat maaari.
Pinapayagan na magsagawa ang mga huwes ng fully remote videconferencing hearings sa mga pending na kaso.
Suspendido rin ang filing periods sa pleadings at iba mosyon sa nasabing panahon at magpapatuloy pitong araw matapos ang unang araw ng pisikal na pagbubukas ng hukuman.
Kinakailangan naman na may skeleton staff sa mga essential offices para tumugon sa mga urgent matters.
Moira Encina