Piskalya may malakas na ebidensiya laban sa EDSA road rage suspect – DOJ
Inatasan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga piskal na may hawak sa kaso ng road rage suspect na si Gerrard Raymund Yu na tiyaking maisilbi ang hustisya.
Una nang inirekomenda ng Makati City Prosecutors’ Office na kasuhan sa korte ng murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act si Yu na suspek sa pagpatay sa nakaalitang driver na si Ancieto Mateo.
Ayon kay Remulla, malakas ang kaso laban kay Yu batay sa mga hawak na mga ebidensIya at mga salaysay ng mga testigo.
“We have an airtight case right now based on available evidence and witnesses. Ensure that justice will be served “ ani Remulla.
Positibo aniyang kinilala ng mga testigo si Yu na bumaril sa biktima.
Bukod ditto, tumugma rin ang mga isinukong baril at magasin ng asawa ng suspek sa mga narekober na basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.
Moira Encina