Piston lalahok din sa kilos protesta sa SONA
Isa ang grupong PISTON o Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide sa mga lalahok sa kilos protesta ngayong hapon habang idinaraos ang ikatlong State of the Nation address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaninang alas-dose ng tanghali, nagsimulang mag-martsa ang grupo patungong Batasan Complex.
Sa panayam ng Radyo Agila kay George San Mateo, Presidente ng Piston, tututulan aniya nila ang modernization program ng pamahalaan.
Naniniwala ang Piston na ang modernization program ng gobyerno ay isa lamang pa-pogi ng administrasyon.
Aniya, tutol sila sa puwersahang phase-out ng mga lumang jeepneys at ang pag-take over ng malalaking negosyante sa transportation sector.
“Yung pinangangalandakang Modernization ng gobyerno, hindi naman talaga modernisasyon eh. Isa yang negosyo, san ka nakakita ng modernization na umaasa lang sa importation. Di ba ang tunay na modernization ay paglikha ng sariling atin”.