Pito patay matapos magliyab ang isang fast craft vessel sa Real,Quezon

Pito ang kumpirmadong nasawi sa pagkasunog ng isang pampasaherong fast craft vessel sa Real Quezon.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armando Balilo, nasa 134 ang sakay ng nasabing bangka kung walo ang crew at 126 ang pasahero.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, galing sa Polillio island ang MV Mercraft 2 at patungo ng Real Quezon ng mangyari ang trahedya.

Dakong alas 6:30 ng umaga nang magpadala ng distress signal ang MV Mercraft 2 matapos na magsimula ang apoy sa engine room nito.

Mabilis na lumaki ang apoy dahilan kaya nagtalunan sa dagat ang mga pasahero.

Agad namang sumaklolo ang apat na motorbanca ng mga mangingisda, dalawang RORO vessel na malapit sa lugar.

Tatlong Search and Rescue team mula sa PCG ang agad ding ideneploy sa lugar kaya agad na nasagip ang iba pang pasahero.

Idineklarang fire under control ang sunog sa fast craft dakong alas 9:30 ng umaga at hinatak ito ng isa pang bangkang MV Triple Kent patungo sa Baluti Island, sa Brgy. Cawayan.

Allan LLaneta

Please follow and like us: