Pitong delinquent Tax payers, sinampahan ng reklamong Tax Evasion sa DOJ dahil sa mahigit 167 milyong pisong utang sa buwis
Ipinagharap ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ ang limang korporasyon at dalawang negosyante mula sa NCR dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa mahigit Php167-M.
Kinilala ng BIR ang mga kinasuhan na Design Index INC., Kreativ Koncept, Inc., Laurasia Realty Corp.,Vacation Specialist Group CO.,at XJJ Customs Brokerage & Forwarders, Inc.
Ayon sa BIR, reklamong Willful Failure to Pay Taxes sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997 ang inihain laban sa mga respondents.
Kabuuang Php167.26-M ang hinahabol na tax liabilities ng BIR sa mga respondents.
Tuluyan nang kinasuhan ang mga kumpanya dahil sa kabiguang bayaran ang utang na buwis sa kabila ng mga abiso mula sa BIR.
Moira Encina