Pitong flood control structures sa Cagayan, kasalukuyang itinatayo ng DPWH
Inaasahang matatapos ngayong taon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng pitong flood control structures sa Gattaran, Cagayan.
Ayon kay District Engineer Rosauro Guerrero, nagkakahalaga ng mahigit 479 million pesos ang mga flood control projects ng DPWH -Cagayan First District Engineering Office.
Ang mga nasabing proyekto ay itinatayo sa kahabaan ng Cagayan River Basin at may kabuuang haba na 2,209.06 lineal meters.
Sinabi ng DPWH na sa oras na makumpleto ang mga flood control facilities ay mapipigilan nito ang mga pagbaha o water influx sa mga kalsada at maprotektahan ang mga ari-arian at buhay ng mahigit 56-libong residente.
Ulat ni Moira Encina