Pitong panibagong gumaling sa COVID-19 naitala sa SJDM at pitong panibagong kumpirmadong kaso naitala rin
Pitong panibagong COVID-19 recoveries ang muling naitala sa lungsod ng San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon sa public information office ng lungsod, ang mga gumaling ay mula sa Baranggay San Isidro, Baranggay Sto.Cristo, Baranggay Francisco Homes-Guijo, Baranggay Francisco Homes-Mulawin, Baranggay San Manuel, Baranggay Gumaoc Central, at Baranggay Tungkong Mangga.
Sa kabuuan ay mayroon ng 1,311 o 89 % na gumaling, kung saan 1,020 dito ay mula sa District 1 at 291 naman sa District 2.
Samantala, nakapagtala rin ng pitong panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lungsod.
Isa rito ay 20 anyos na lalaki na mula sa Baranggay Muzon, ang isa ay 24 anyos na mula naman sa Baranggay Gaya-gaya.
Apat ang galing sa Barangay Graceville. Isa rito ang isang 35 anyos na babae na may travel history sa NCR. Ang isa ay isang 27 anyos na lalaki na may travel history sa labas ng lungsod, habang ang isang apat na taong gulang na batang babae at isang 61 anyos na babae ay kapwa nagkaroon ng close contact kay patient number 1471.
May isa na mula naman sa Baranggay Gumaoc East. Isang 42 anyos na lalaki na may travel history sa labas ng lungsod.
Sa kabuuan ay 1,475 na ang mga kumpirmadong kaso kung saan 1,142 dito ay mula sa district 1, habang 333 naman ay mula sa District 2.
Samantala, 95 o 6% ang natitirang active cases, na ang 68 ay mula sa district 1 at 27 naman sa District 2.
Naragdagan naman ng dalawang panibagong namatay dahil sa COVID-19, at ito ay mula sa Gumaoc West at Barangay Sto. Cristo.
Sa kabuuan ay 69 o 5% na ang naitalang Covid-19 deaths. 54 ay mula sa district 1 at 15 naman sa District 2.
Gilian Elpa