Pitong rehiyon sa bansa bumagsak ang GDP
Bumagsak ang Gross Domestic Product ng pitong rehiyon sa bansa kabilang na ang Metro manila.
Batay sa report ng Philippine Statistic Authority, ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinaka mababang GDP na umabot na – 9.6 percent mula sa dating 13.9 percent.
Sinundan ito ng CALABARZON na may negative 10.5 percent at National Capital Region na 10.1 percent, Central Visayas at Cagayan valley.
Resulta nito aabot sa 1.58 trillion ang naitalang economic loss.
Sinabi ng NEDA na hindi lang COVID- 19 ang dahilan ng pagbagsak ng GDP kundi ang epekto ng bagyo noong nakaraang taon na humagupit sa Metro manila at cagayan valley.
Meanne Corvera