Plano ng CPP-NPA na magdeklara ng ceasefire, taktika lamang para palakasin ang kanilang puwersa- AFP
Hindi napapanahon ang pagdedeklara ng tigil-putukan…
Ito ang naging pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. General Edgard Arevalo , matapos ang pahayag ni CPP Founding Chairman Joma Sison na magdedeklara sila ng unilateral ceasefire ngayong Disyembre bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng CPP-NPA.
Ayon kay Arevalo, dapat sila ang unang kumilala at rumerespeto sa tigil-putukan na idinedeklara.
Paliwanag ng AFP official, sa maraming panahon na nagbigay-daan ang gobyerno sa tigil-putukan ay hindi naman ito kinikilala ng mga rebelde at patuloy ang ginagawang pag-atake sa mga AFP at PNP personnel at paghahasik ng kaguluhan.
Bukod dito, taktika lang aniya ng mga rebelde ang tigil putukan para makapag-recruit at mapalakas pa ang kanilang puwersa.
“Ang mga ceasefire na ganito ay ginagamit nila bilang kanilang convenient oppurtunity upang makapag-recruit, makapagdagdag ng armas upang pagkatapos ng ceasefire tuloy na naman ang laban. Sinasabi nila yan pero ang tunay nilang layunin at the back of their heads ay makalamang sila at magawa nila ang nais nila”.