Plano ng DA na pag-aangkat ng mga galunggong, ipinatitigil ng ilang Senador
Ipinatitigil ng ilang Senador ang planong pag-aangkat ng Department of Agriculture ng 60, 000 metric tons ng galunggong ngayong unang quarter ng 2022.
Babala ni Senador Imee Marcos malaki ang magiging epekto nito at papatayin ang local fish industry.
Kwestyon ng Senador bakit kailangang umangkat samantalang mismong ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council ang nagsabing may sapat na suplay ng isda sa bansa.
Katunayan sa kanilang Datos , may mahigit 35,000 metric tons pa ng isda ang nakatakdang dumating sa mga storage facilities ngayong buwan hanggang marso.
Binatikos rin ni Senador Ping Lacson ang DA dahil matapos patayin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-aangkat ng gulay isusunod naman ang mga mangingisda.
Tila na infect na rin aniya ng mga kurap sa pamahalaan D-A kaya apektado na rin ang food security ng bansa.
Meanne Corvera