Planong armasan ang mga Barangay officials, pinag-aaralan pa

Pinag-aaralan  pa ng mga otoridad ang panukalang armasan ang mga Barangay officials.

Sa panayam ng Saganang Mamamayan, sinabi ni National Capital Regional Police office o NCRPO Chief Supt. Guillermo Eleazar, dapat pa ring maging balanse at may mga guidelines na ipatutupad sa magiging responsibilidad ng isang indibidwal o opisyal na magbibitbit ng armas.

Sinabi ng opisyal na maaari namang mag-request ang isang barangay official na magdala ng baril sa labas ng kaniyang tahanan kung mapapatunayan nitong hindi ito magagamit sa pang-aabuso.

Iniiwasan din aniya nila na magdulot ng pagkatakot sa mga residente sakaling may makitang opisyal ng kanilang barangay na may nakasukbit na armas.

Binigyang-diin ng opisyal na pinakamainam pa rin aniya ang pakikipag-ugnayan ng mga pulis sa mga barangay kapag may nangyayaring kaguluhan.

“Ang pulis nga pag hindi naka-uniporme, hindi pwedeng magbitbit ng baril. Eh pag may nakita tayong pulis na nakasibilyan at may nakasukbit na armas, ireport nyo po sa amin at aming didis-armahan yan. Hindi dapat ipinagmamalaki o ipinagyayabang at hindi magandang tingnan ang isang pulis na may nakasukbit na bari…yabang na po yun eh”. Hindi po natin hahayaan na ganun”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *