Planong doblehin ang populasyon ng Golan Heights, inaprubahan ng Israel
Inaprubahan ng Israeli government ang isang plano na i-develop ang Golan Heights at doblehin ang populasyon ng teritoryo.
Ang $317 milyon na plano ay naglalayong magtayo ng libu-libong bagong mga yunit ng pabahay, bumuo ng imprastraktura sa transportasyon, mag-upgrade ng mga sistemang medikal at edukasyon at doblehin ang populasyon sa Golan Heights, na nakuha ng Israel mula sa Syria noong 1967 Six-Day War, sa pagtatapos ng dekada .
Ayon kay Prime Minister Naftali Bennett . . . “Our goal is to double the settlement in the Golan Heights. The need to strengthen, nurture and reconcile the place is common to us all.”
Sa ilalim ng plano na inanunsyo ni Bennett noong Oktubre, plano ng Israel na bumuo ng mga bagong komunidad sa teritoryo at magtayo ng higit sa 11,000 mga bagong housing units sa pagitan ng bago at kasalukuyang eksistido nang mga komunidad.
Naglaan din ito ng pondo para sa promosyon ng mga bagong hotel at planong lumikha ng dalawang libong bagong mga trabaho sa lugar.
Noong Linggo, idineklara ni Bennet na ang Golan Heights ay “self-evident’ ng Israel na 50 taon na nitong inookupahan.
Aniya . . . “After around 10 years of terrible civil war in Syria, every knowledgable person in the world understands that it is preferable to have Israeli heights that are quiet, flourishing and green as opposed to the alternative.”
Binanggit pa niya ang desisyon ng administrasyong Trump na kilalanin ang Golan Heights bilang “kontrolado ng Israel” sa halip na “sinakop ng Israel,” na naging unang bansang gumawa nito.
Ang administrasyong Biden dagdag pa niya ay “nilinaw na walang pagbabago sa patakarang ito.”