Planong gawing anti-illegal drug Czar si PRRD ni President-elect BBM, welcome sa Malakanyang
Ikinatuwa ng Malakanyang ang pahayag ni President-Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na handa siyang gawing anti-illegal drug Czar si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Acting Deputy Spokesman Undersecretary Chris Ablan na nasa pagpapasiya ni Pangulong Duterte kung tatanggapin niya ang posisyong ito pagkatapos ng kanyang termino sa June 30.
Ayon kay Ablan, nasabi na ng Pangulo na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya na labanan ang pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot sa bansa kahit wala na siya sa puwesto.
Inihayag ni Ablan hintayin na lamang ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte kung ano ang kanyang magiging papel sa ilalim ng BBM administration.
Vic Somintac