Planong gawing State witness si Janet Lim Napoles, ipinauubaya ni Pangulong Duterte kay Justice secretary Aguirre


Bahala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa planong gawing testigo ng estado si Janet Lim Napoles sa Pork barrel scam.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sariling diskarte ni Secretary Aguirre kung papaano maipapasok sa Witness Protection Program o WPP ng pamahalaan si Napoles gayung siya ang itinuturong utak ng Pork barrel scam.

Ayon sa Pangulo hindi niya pakikialaman si Secretary Aguirre sa plano nitong gawing state witness si Napoles.

Si Napoles ay nililitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam at kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa detention facility sa Bicutan Taguig City.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *