Planong paglipat ng ilang Bilibid inmates sa ibang prison facilities at pagtatayo ng heinous crime facilities, naantala– DOJ
Hindi natuloy ang planong paglipat sana sa ibang persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prisons sa ibang jail facilities sa mga lalawigan.
Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi umusad ang pag-transfer sa mega drug rehabilitation facility ng DOH sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija ng inmates mula sa Minimum Security Compound ng Bilibid.
Ayon kay Remulla, nag-“bogged down” o hindi umusad ang paguusap ng DOJ at ng militar para sa paggamit ng Fort Magsaysay.
Batay din aniya sa DOH ay mas kakailanganin nito ang nasabing rehab facility.
“But we might as well push it for again kasi nga ang gusto kong mangyari kahit na sana yung womens prison doon muna natin ilagay sa drug rehab since a mega drug rehab is not something really something we will be using in the future except if the military has plans for it yun lang problema if the military says they need it wala tayong magagawa kasi sa kanila yun” pahayag pa ng kalihim.
Inamin din ng kalihim na hindi pa masimulan ang pagtatayo ng hiwalay na heinous crime facilities sa Sablayan Prison and Penal Farm makaraan na maantala ang pakikipagusap sa DPWH.
Pero may pondo aniya para rito at inaasahang makakakuha sila ng dagdag pa na budget para sa konstruksyon ng nasabing high-security facility para sa drug lords at iba pang heinous crime convicts.
May mga nakausap na rin na LGUs si Remulla na bukas para maitayo sa kanilang lugar ang regional jail facilities.
Partikular sa mga interesado na mapagtayuan ng regional prisons ay ang Region 6 o Western Visayas at ang Region 3 o Central Luzon.
Gayundin, ang Region 1 o Ilocos Region at Region 2 o Cagayan Valley
“I already given them a business plan on how to go about it but we’re looking at it hopefulltyby end of this year we would have firm up at least 2 or 3 of them of different regions” patuloy pa pahayag ni Remulla.
Moira Encina