Planong pangungutang ng pamahalaan para pondohan ang Build, Build, Build program, iimbestigahan ng Senado
Iimbestigajan ng Senado ang plano ng gobyerno na mangutang ng 1.2 trillion pesos para pondohan ang Build, Build, Build program ng Duterte administration.
Kinukwestyon ni Senador Francis Escudero ang batayan ng pangungutang ng gobyerno gayong inaasahang tataas pa ang koleksyon dahil sa umiiral na tax reform for acceleration and inclusion o Train.
Sinabi ni Escudero na ipinasa ng Kongreso ang Train dahil ito ang ginamit na batayan ng mga exonomic managers ng gobyerno sa Build, Build, Build program.
Nangangamba si Escudero kung saan kukuha ng pambayad ang pamahalaan dahil ang 300 billion pesos ay katumbas na ng 30 percent ng national budget.
Ulat ni Meanne Corvera