Plenary debate at sponsorship ng 2023 proposed national budget, tatapusin na ng Kamara sa September 28 matapos sertipikahan ni Pangulong BBM na urgent bill
Nasa 85 percent nang tapos ang pagtalakay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 2023 proposed national budget na nagkakahalaga ng 5.268 trillion pesos.
Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez, na tatapusin na ng Kamara sa September 28, Miyerkules, ang plenary debate at sponsorship at isasalang na agad sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pambansang pondo matapos na sertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na urgent bill.
Inihayag ni Romualdez na sa sandaling lumusot sa ikatlong pagbasa ang panukalang pambansang budget ay agad itong ipapasa sa Senado para sa kanilang sariling bersiyon.
Niliwanag ni Romualdez, na anumang hindi pagkakasundo ng house at senate version sa national budget bill ay aayusin sa Bicameral Conference Committee upang maisumite sa Office of the President ang final version at malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Disyembre.
Vic Somintac