Plenaryo ng mababang kapulungan ng Kongreso, handang handa na sa SONA ni Pangulong BBM sa lunes
All system go na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan isasagawa ang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni House of Representative Secretary General Mark Llandro Mendoza tapos na ang renovation ng plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ginastusan ng 100 milyong pisong pondo.
Ayon kay Mendoza naipadala narin ang mga invitation sa 1,300 na invited guest sa SONA na kinabibilangan ng mga miyembro ng dalawang kapulungan ng kongreso, cabinet officials, miyembro ng diplomatic corps, mga dating presidente ng bansa, justices ng supeme court at iba pang VIPs.
Inihayag ni Mendoza maging ang security arrangement na pangangasiwaan ng Presidential Security Group katulong ang security personnel ng House of Representatives ay nakahanda na ganun din ang mahigpit na health protocol kung saan ipatutupad ang no negative RT PCR test result no entry sa plenaryo.
Idinagdag ni Mendoza na nais ni Pangulong Marcos Jr. na simple lamang ang kanyang SONA na ididirek ni Director Paul Soriano.
Vic Somintac