‘Plogging’ ng isang abogado sa Chile at kaniyang aso may layuning magbigay ng awareness sa publiko tungkol sa recycling
Madilim pa subalit nasa labas na ang Chilean lawyer na si Gonzalo Chiang at ang alaga niyang asong si Sam, upang mag-jogging at mangolekta ng mga basura sa pinakamalaking parke sa Santiago.
Ang 38-anyos na si Chiang, ay may ‘individual quest’ na i-promote ang practice ng “plogging” o ang pamumulot ng basura habang tumatakbo, sa isang bansa na napakalayo na ng agwat sa Latin American average kung ang pag-uusapan ay recycling.
Si Chiang at ang aso niyang border collie na si Sam ay dalawang taon nang nagpa-plogging nang magkasama, pioneers sila sa Chile sa pagpa-practice ng plogging na naimbento sa Sweden noong 2016.
The term ‘plogging’ — a combination of jogging and the Swedish ‘plocka,’ which means ‘to pick’ — was included as a noun in the Collins Dictionary in 2018 / RODRIGO ARANGUA / AFP
Ang termino na isang kumbinasyon ng jogging at ng Swedish word na “plocka,” na ang ibig sabihin ay “to pick,” ay isinama bilang isang pangngalan (noun) sa Collins Dictionary noong 2018.
Ayon kay Chiang, “Every day, with the daily walking of the dog one can make a big difference to the environment.”
Tatlo punto isang porsiyento (3.1%) lamang ng non-hazardous waste ng Chile ang kanilang nire-recycle ayon sa Economic Commission for Latin America and the Caribbean (ECLAC), mas mababa sa regional average na 4.4 na porsiyento.
Si Chiang ay may talaan ng kaniyang mga ginagawa, na ibinabahagi naman niya sa social media bilang panghikayat sa iba na gayahin din siya.
Sam’s popularity led to his image being used in a 2022 municipal pamphlet seeking to promote recycling. It named Sam ‘the superhero of the Parquemet’ / RODRIGO ARANGUA / AFP
Sa 110 linggo, nakatakbo na siya o nakapag-jogging ng 4,126 kilometro o mahigit 2,560 milya at nakakolekta ng 19,071 mga boteng plastik at 8,512 aluminum cans.
Si Chiang at Sam ay apat na beses sa isang linggo tumatakbo, sa loob ng dalawang oras, na sa malimit na pagkakataon ay sa Metropolitan Park ng Santiago, na kilala rin sa tawag na Parquemet.
Gumagamit si Chiang ng pincer stick upang kumuha ng mga basura na inilalagay naman niya sa dalawang plastic bags na dala niya sa tuwing siya ay tumatakbo.
Maraming iba pa ang inilalagay naman niya sa saddlebag na dala ni Sam, na naturuan din ni Chiang na dalhin sa kaniya ang mga bote at lata na kaniyang makikita.
Bago umuwi ay ibinababa ng dalawa ang kanilang koleksiyon sa isang recycling collection point.
In the latest World Bank report on global waste management in the world, from 2018, Chile was second only to Mexico as the Latin American country that generated the most household waste per capita / RODRIGO ARANGUA / AFP
Sinabi ni Chiang, “The goal is to leave a concrete testimony of what impact one person can make for the common good on a daily basis,” at binigyang-diin ang kahalagahan ng ‘individual action.’
Aniya pa, “It’s fun and healthy too. Exercising with Sam is something that entertains me a lot. My dog generates a lot more attention than me and gets more hits online.”
Ang popularidad ni Sam ay naging daan upang gamitin ang kaniyang larawan sa isang 2022 pamphlet na ipinalabas ng Metropolitan Park upang i-promote ang recycling. Ang larawan ay may titulong “Sam, the superhero of the Parquemet.”
Sa huling World Bank report tungkol sa global waste management sa mundo mula 2018, ang Chile ay pumapangalawa sa Mexico bilang Latin American country na may pinakamaraming household waste per capita: 1.15 kilograms (2.53 pounds) bawat araw.
Pagdating ng 2021, ang numero ay nabawasan ng hanggang 990 grams per person, ayon sa environment ministry ng Chile, dahil ang recycling ay dahan-dahan nang pina-practice.