PMA Graduation ,pinangunahan ni Pang. Duterte
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang graduation rites ng Philippine Military Academy o PMA SALAKNIB CLASS OF 2017 o Sanggalang ay Lakas at Buhay na Alay para sa Inang Bayan Borromeo Field Fort Del Pilar Baguio City.
Ito ang ikalawang pagkakataon na makatuntong si Pangulong Duterte sa PMA bilang Commander in Chief ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang una ay ng dumalo ito sa PMA homecoming na inorganisa ng PMA Class 1967 kung saan ay naging adopted member ang Pangulo.
Sa kanyang pagsasalita hinimok ng Pangulo ang SALAKNIB CLASS OF 2017 Na maging tapat sa sabayanang Pilipino.
Muntikan ding makalimutan ni Pangulong Duterte na batiin si Vice President Leni Robredo dahil sa kalagitnaan na ng kanyang talumpati binati ang Pangalawang Pangulo.
Walong babae ang pumasok sa top 10 ng PMA Salaknib Class of 2017 sa pangunguna ng validectorian na si Cadette Rovi Mairel Valino Martinez ng Cabanatuan City. Siya ang ikaaapat na babaeng naging valedictorian ng PMA. Si Martinez bilang validectorian ang tumanggap ng Presidential Saber mula kay Pangulong Duterte.
Sinabi ni Martinez na malaking hirap ang dinanas ng kanilang klase bago nila nakamit ang kanilang diploma.
Ang tatlong nauna na babaeng class validectorian ay sina Andrelee Samson Mojica, noong 2007, Tara Jaime Velasco noong 2003 at Arlene dela Cruz noong 1999.
May kabuuang 167 na kadete ang miyembro ng PMA Salaknib Class of 2017, 63 dito ay mga babae.
Siyamnapu ang mapupunta sa Philippine Army, apatnaput apat sa Philippine Navy at tatlumput tatlo sa Philippine Air Force.
Simula ng tanggapin ng PMA ang mga babae noong 1993 hindi nagpapahuli ang mga ito sa kanilang mga kakumpitensyang lalake dahil marami na sa kanila ang pumasok sa top 10.
Ulat ni: Vic Somintac