PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, ininspeksyon ang mga pangunahing checkpoints sa Metro Manila….Nationwide gunban, nagsimula na

Opisyal nang nagsimula ang Comelec gunban at nationwide checkpoints  para sa midterm elections sa Mayo, kung kaya’t kabi-kabilang checkpoints na ang ikinasa sa iba’t ibang lugar partikular sa Metro Manila.

Sinimulan ng PNP sa isang kick off ceremony ang Nationwide gunban at Comelec checkpoint.

Kabilang sa nanguna sa pag-iikot sa mga checkpoints ay si PNP Chief General Oscar Albayalde, NCRPO Chief Gen. Guillermo Eleazar at ilang opisyal gayundin ang Comelec.

Dahil simula na ng gunban ay mawawalan muna ng bisa pansamantala ang PTC o Permit to Carry Firearm ng isang pribadong indibidwal. 

Tanging mga pulis at militar lamang papayagang magdala ng baril sa mga panahong may gunban at depende din sa magiging sitwasyon ng mga pulis.

Maaaring namang maharap sa kaso at pagkakakulong kahit sino na lumalabag sa panuntunan ukol sa gunban. 

Ang paglalatag ng checkpoints sa 1,600 na lungsod at bayan sa bansa ay alinsunod sa Resolution no. 10468 ng Comelec.

Samantala tatagal ang Nationwwide gunban at checkpoint ng Comelec hanggang matapos ang Midterm election sa Mayo.

 

Ulat ni Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *