PNP, hinikayat na magsagawa ng independent at transparent na imbestigasyon sa pagsabog sa Sulu

Kinondena ng mga Senador ang nangyaring pagpapasabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 20 katao.

Naniniwala si Senador Juan Miguel Zubiri na isang taga-Mindanao na ginawa ang pambobomba para takutin ang mga residente at sirain ang nangyaring proseso para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Tinawag namang barbaric ni Senador Sonny Angara ang pag-atake na ginawa pa sa loob ng simbahang katolika.

Kapwa naman umapila sina Senador Zubiri at Aquilino Pimentel sa PNP at AFP na doblehin pa ang kanilang seguridad at hindi dapat payagang maulit ang kaparehong insidente sa iba pang bahagi ng bansa.

Senador Zubiri:
“I strongly condemn the bombings that happened in Sulu. Clearly those who took part in this dastardly act just wants to taint the victory achieved by the Bangsamoro people in their ratification of the BOL. The AFP and PNP should pursue these terrorist at all cost and they should double up their security presence to prevent any more of this untoward incidences from happening in and out of Sulu”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *