PNP kinastigo ni Senador Lacson dahil sa pagmamanman sa miyembro ng ACT partylist
Kinastigo ni Senador Ping Lacson ang PNP matapos umaming minanmanan ang mga miembro ng ACT partylist.
Ayon kay Lacson, sa halip na pag-initan ang mga guro dapat unahing i surveillance ang dating police at military personnel na nadawit na sa gun for hire.
Dapat aniyang magsagawa ng profiling at surveillance ang PNP sa mga dating pulis at sundalo lalo na sa kanilang lifestyle.
Aminado si Lacson na ang mga dating pulis at sundalo ang pasimuno sa mga kaso ng kriminalidad gaya ng pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe.
Paliwanag ng senador ang mga tiwaling pulis at sundalo ay higit na may kakayahan sa paggamit ng mga armas katunayang karamihan sa kanila ay dawit sa mga henious crime at crimes with impunity.
Ulat ni Meanne Corvera