PNP nagpaalala sa publiko para sa ligtas na bakasyon
Ngayong holiday break, inaasahan na ng Philippine National Police ang pagdagsa ng ating mga kababayan sa ibang lugar para mamasyal at magbakasyon.
Kaya naman nagtalaga na sila ng mga police assistance desk sa lahat sa mga tinatawag na places of convergence gaya ng mga mall, terminal at sa mga kilalang pasyalan.
Aabot sa 91 libong pulis ang idedeploy ng pnp sa buong bansa para sa kanilang oplan ligtas summer vacation.
Sa mga aalis at iiwan na walang tao ang kanilang bahay may ilang paalala ang PNP.
Una, ikandado ang lahat ng pinto at bintana at tiyaking na walang maaring daanan papasok.
Mag install din ng burglar alarm para maalerto ang mga kapitbahay kung may nakapasok sa bahay .
Mas mainam din kung ihabilin sa mapagkakatiwalaang kapitbahay ang bahay at ipaalam kung kailan kayo babalik.
Siguraduhing walang naiwang naka sinding kandila, bukas na stove o tumutulong gripo at naka plug na appliances.
Iligpit ang anumang mahahalagang bagay o pag aari sa labas ng bahay na makakaagaw ng pansin ng masasamang loob.
Bantayang mabuti ang mga kasamang bata. Alamin agad ang pinakamalapit na first aide station at police assistance desk.
Para sa police assistance at emergency maaaring mag text sa 09178475757 o kaya sa hotline 117.
Ulat ni Mar Gabriel