PNP nagpatupad na ng liquor ban, isang araw bago ang halalan
Epektibo na simula kaninang hatinggabi o alas-12:01 ng May 8 ang liquor ban.
Ang implementasyon ng liquor ban ay batay sa ipinalabas na Resolution No. 10746 ng Comelec na nagbabawal sa pagbebenta, pag-alok, pagbili at pag-inom ng mga inuming nakalalasing sa mga ganitong panahon.
Sinuman ang masusumpungang lalabag ay maaaring maharap sa pagkakulong ng isa hanggang anim na taon.
Ang liquor ban ay ipinatutupad upang maiwasan ang mga posibleng pagtatalo na maaaring mauwi sa karahasan ngayong election period.
Magtatapos naman ang liquor ban ng alas-12:01 ng May 9, 2022.
Please follow and like us: