PNP nakahandang magpadala ng pulis sa mga field trip
Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police na magpadala ng tauhan tuwing magsasagawa ng field trip o educational tour ang mga paaralan.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni NCRPO Chief, Oscar Albayalde , kung hihilingin ng mga paaralan ay tiyak na papayag ang pamunuan ng PNP na magpadala ng police personnel na magbibigay seguridad sa mga estudyante .
Sa pamamagitan nito ay matitiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante na sasama sa mga field trip.
Ito ang naging reaksyon ni Albayalde matapos ang malagim na aksidente sa Tanay Rizal kung saan labing limang estudayante ang nasawi.
“Pwede pong magrequest sa mga local police yan at im sure pagbibigyan po yan …lalong lalo na po yung mga kilalang school na mga high end for security reason and for security ng mga bata rin no”. -Albayalde