PNP, nakapagtala ng 14 election related incidents mula noong Enero
Labing apat na election related incidents ang naitala ng Philippine National Police mula nang magsimula ang Election period nitong Enero.
Pero base sa isinagawang beripikasyon ng PNP dalawa lang sa mga insidenteng ito ang nakumpirmang may kaugnayan sa eleksyon isa rito ang nangyari sa Region 9 at isa sa BARMM habang patuloy namang iniimbestigahan ang isa pang insidente.
Sa harap nito mas pinaigting pa raw ng PNP ang seguridad sa mga lugar na may naitalang election violence lalo’t nagsisimula na ang kampanya ng mga lokal na kandidato.
Patuloy din ang panawagan ng PNP sa mga kandidato na makipagtulungan sa mga awtoridad upang masiguro ang payapang halalan sa kani-kanilang lugar.
Samantala,umakyat naman sa 2,003 indibidwal ang inaresto dahil sa paglabag sa Comelec gunban.
Kabilang dito, ang 14 na pulis, 9 na sundalo, 37 security guard at 1,923 na mga sibilyan.
1,537 na mga baril naman ang nakumpiska bukod pa sa 727 deadly weapon at mga pampasabog.