PNP nakapagtala ng higit 82,000 violators mula nang ipatupad ang COVID-19 alert level 3 sa Metro Manila
Higit 82,000 violators ang napaulat sa Metro Manila, simula nang ipatupad ang COVID-19 alert level 3 sa rehiyon.
Ayon sa Phil. National Police (PNP), mula 82,191 kabuuang bilang ng violators ay 8,602 ang naiulat nitong Linggo, Oktubre 24.
Mula Oct. 16-24, ay 9,162 daily average ang naitatala.
Sa kabuuang bilang ng violators, 60,573 ang lumabag sa minimum public health standards at 21,159 naman ang lumabag sa curfew na ipinaiiral sa rehiyon.
Samantala, kabuuang 459 na hindi ikinukonsiderang authorized persons outside residence ang nahuli ng mga tauhan ng pulisya na nasa labas.
Ayon sa PNP, 55% ng violators ay binigyan ng babala, 38% ang pinagmulta at 8% ang naharap sa iba pang parusa.
Ang Metro Manila ay mananatili sa ilalim ng COVID-19 alert level 3 hanggang sa katapusan ng Oktubre.