PNP nakapagtala ng karagdagang 179 recoveries sa Covid-19
Sumampa pa sa 31,178 ang kabuuang nakarekober na pulis mula sa Covid-19.
Sa datos ng PNP Health Service ngayong August 20, 2021, ito ay matapos makapagtala ng karagdagang 179 mga gumaling sa karamdaman ang Philippine National Police.
Gayunman, may naitala ring panibagong 123 kaso ng virus infection kaya pumalo na sa 33,034 ang kabuuang kaso sa kanilang hanay.
Samantala, may nadagdag naman na isang pulis na pumanaw kaya umakyat na sa 99 ang death toll ng PNP mula sa Covid-19.
Ang pumanaw na pulis ay isang 44-anyos na Police Lieutenant na namatay noong August 18 dahil sa Acute Respiratory failure secondary to Covid-19.
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakaranas ng mild symproms ng Covid-19 ang pulis at agad itong isinailalim sa RT-PCR test na nagpositibo ang resulta.
Matapos makipaglaban sa virus sa halos isang linggo, idineklara siyang pumanaw ng kaniyang attending physician.
TL