PNP nanawagan sa publiko ng kooperasyon sa muling pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa NCR
Nanawagan ng pagkikipagkaisa at kooperasyon sa publiko si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar kasunod ng pagpapatupad muli ng mas mahabang curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay Eleazar, hindi na bago ang pagkakaroon ng mahabang curfew kaya umaasa siyang sanay na ang mga kababayan natin sa nasabing patarakan at tiwala siyang marami na ang tatalima.
Nanawagan din siya sa kaniyang mga tauhan na maayos na makitungo sa mga masusumpungang lalabag sa itinakdang curfew hours at respetuhin pa rin ang karapatan ng mamamayan.
“Kung isasaisip natin ang kaligtasan natin at ng ating pamilya, naniniwala ako na hindi na tayo aabot sa sitahan at arestuhan pa sa pagpapatupad ng curfew hours sa Metro Manila o saan mang lugar na ipinapatupad ito,” – Gen. Eleazar
Ngayong araw, July 25 sinimulan na ang pagpapatupad ng 10:00 pm hanggang 4:00 am curfew hours sa Kalakhang Maynila upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19.