PNP, nangangailangan ng karagdagang 15,000 mga pulis

Karagdagang labinlimang libong (15,000) mga bagong pulis ang kakailanganin ng Philippine National Police o PNP ngayong taon.

Ayon kay Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, pinuno ng PNP Directorial staff, karaniwang tumatanggap ng sampung libong (10,000) mga bagong pulis ang PNP taun-taon.

Ngunit dahil marami na ang nagretiro, nagbitiw sa puwesto at mga natanggal sa serbisyo, mangangailangan sila ng karagdagan pang mga tauhan.

Sa kasalukuyan aniya, nasa 187 libo ang buong puwersa ng pambansang pulisya.

Katumbas ito ng isang pulis sa bawat 651 na Pilipino.

Bukod sa karagdagang police personnel, plano rin ng PNP na bumili ng karagdagang 70 libong mga baril at pitong (7) helicopter na magagamit ng kanilang hanay.

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *