PNP, pupulungin ni Pangulong Duterte para sa ipatutupad na radical change sa security ng bansa

Personal na kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP kaugnay ng ipapatupad na radical change sa security ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na sa command conference ang tamang lugar para ilatag ang mga pagbabago sa security and order na ipapatupad ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo kailangan ang radical change sa istratihiya ng seguridad dahil sa patuloy na mga krimeng nagaganap na nagiging biktima ay mga inosenteng mamamayan.

Nauna ng nagbabala ang Pangulo sa mga elementong kriminal na abangan ang mas mahigpit na kampanya ng pamahalaan para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Pres. Duterte:

“I will have my command conference and that will be the time that i would be ready to declare anything out of respect for them”.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *