PNP Region 10, nagpasalamat sa mga residente dahil sa pakikipagtulungan para mapigil ang pag-atake ng NPA
Lalu pang pinaigting ng militar at pulisya ang kanilang intelligence gathering at 24 hours checkpoint matapos ang panununog ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa mga trak sa may bahagi ng Bukidnon.
Sa ulat ni provincial correspondent Richard dela Cruz, sinabi ni Lt. Col. Surkie Sereñas, tagapagsalita ng PNP-Regional office 10, bagamat nakapagtala na sila ng dalawang insidente ng panununog sa mga heavy equipments gawa ng NPA, nagpapasalamat pa rin sila dahil sa pakikipagtulungan ng mga komunidad sa Northern Mindanao.
Ang mga residente aniya ang gumagawa ng paraan para mapigilan ang panggugulo at pananakot ng teroristang grupo.