PNP tiniyak ang kahandaan para sa pagpapalawig ng voter registration

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar na nakahanda ang kanilang puwersa para tumulong sa kaayusan sa pagsasagawa ng voter registration matapos magpasya ang Commission on Elections na palawigin pa ito.

Ang pagpapalawig ng registration hours ay upang ma-accomodate ang mas marami nating kababayan na nais magparehistro para sa 2022 national and local elections.

Batay sa anunsyo ng Comelec, magiging alas-8:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi ang voter registration simula August 23 at bukas din ang Comelec sa mga holiday.

Ayon kay Eleazar, bahagi ng responsibilidad ng pulisya na tiyakign maayos at payapa ang lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa halalan maging ito ay mula sa registration ng mga botante hanggang sa pagdedeklara ng mga nanalo.

Kailangan din aniyang matiyak na nasusunod ang minimum public health safety standard at quarantine protocol sa mga registration site.

Matatandaang nagdeploy din ng mga pulis sa mga vaccination site para umasiste sa mga magpapabakuna at matiyak na nasusunod ang mga health protocol.

TL

Please follow and like us: